Pages

Wednesday, January 26, 2011

“Hello? Ang aga mong nagising?”
5:30 pa lang ng umaga. Ako, kasama ko na ang mga kaibigan ko. Aalis kami para mag-bonding sa probinsya. Nagpaalam naman ako sa kanya pero bakit nagche-check siya?
“Sinadya ko talaga. Nakaalis na ba kayo?” Tanong niya.
“Hindi pa. Hinihintay pa namin ‘yung isang sasakyan. Bakit ka pa kasi tumawag? ‘Yan tuloy nasira tulog mo. Pinayagan mo naman na ako di ba?”
“Oo nga. Pero nag-aalala po kasi ‘yung tao. Masama bang maging concern?” 
“May sinabi ba ako? ‘Wag ka na kasing mag-alala. Trusted drivers ‘tong mga kabarkada ko tsaka di naman nila ako pababayaan. So no need to worry.”
“Oo na. Oo na. May dala kang band-aid niyan?”
“Oo.”
“Alcohol? Towel?”
“Opo.”
“Knee pads? Elbow pads?”
“Knee at elbow pads? Ano ba naman yan? Baka gusto mo din magtanong kung may dala akong helmet?” Natatawa na lang ako sa kanya. ‘Pag minsan kasi nagiging OA na ang pagiging protective niya.
“Magandang ideya ngang may helmet ka din. Paano naman kasi you’re the most clumsy person I’ve met. Ni bato nga di mo kayang iwasan eh.” Sagot niya habang sige lang siya sa pagtawa na sinabayan ko na din.
“Clumsy pala ha. Kaya nga I fell for you eh. Hahaha!” Natawa ako sa sarili kong banat.
“Kaya nga di na ako nagrereklamo sa pagiging clumsy mo. Gusto ko lang ma-siguradong di ka mahuhulog o mauuntog ang ulo mo at maisipan mong palitan ako.” Naki-ride naman siya. Haha!
“Ay korny natin, umagang-umaga. Sige na hon, sleep ka na ulit. Ayos lang ako, don’t worry. Good morning.”
“Okay. Be careful. I miss and love you.”
“Same here.”
“Heto na naman tayo sa same here mo.” Nagrereklamong saad niya. “Parang nahihiya kang sabihing mahal mo ako.”
“Naku, nagtampo na naman po. I miss you hon and I love you. Always. Oh sleep na, okay? I’ll call you when we get there. Mwah.”
Wala nang sasaya sa mga pagkakataong ganito. Hay, pag-ibig. 

No comments: